Kung Paano Nanalo sa Karera si Rosang Taba
“Mahigit 100 taon din ang tinatawid na kasaysayan ni Rosang Taba. At sa mga pahina, tanghalan at tabing na nagbigay-kulay sa mga panahong nagdaan, hindi nawaglit sa kamalayang Filipino ang matatabang tauhan. Madalas na tampulan ng katatawanan, dahil na rin sa angking pisikalidad. Sila ang tauhang hindi lang kinagigiliwan kundi kagyat ring kinakapitan ng mambabasa/manonood. Sa usapin ng aliw, gusto ng tao ang tauhang nakakatawa at/o nakakatuwa. At sa paggagap sa kuwento, nahuhulog ang tao sa tauhang may kapasidad na saluhan ang madlang nagtatawa sa kaniya; at ibaba ang sarili na, madalas, siya ring daan sa pag-ahon nito. Katawan ng matatabang tauhan ang karaniwang kumakarga sa mga katangiang kalulugdan ng mga tao.” - Rody Vera, Playwright
Photo and Composite by Paw Castillo
Art Direction by Mark Daniel Dalacat